Pagsusuri ng Himagsik ni Balagtas sa Florante at Laura
Pagsusuri ng Himagsik ni Balagtas sa Florante at Laura ni: Johmelen Feby Mendoza (8-Busay)
Ang Florante at Laura ay isang awit o tula na isinulat ni Francisco Baltazar o kilala ring Francisco Balagtas. Ang awit na Florante at Laura ay kanyang isinulat dahil sa kaniyang kabiguan. Siya ay nakulong dahil sa kanyang karibal na si Nanong kapule isang mayaman at manliligaw ni Maria Asuncion Rivera na tinatawag ni Balagtas na "Selya" sa kanyang walang kamatayang obra maestrang awit na Florante at Laura. Maraming nagsasabi na ang awit na ito ay kanyang isinulat noong siya'y nasa bilangguan. Kung tutuusin isang simpleng awit lang ang Florante at Laura pero kung ating babasahin ng maigi ito ay may nais iparating para sa lahat na magbabasa ni Balagtas.
Ang Florante at Laura ay binubuo ng apat na himagsik ni Balagtas at ito ay ang:
1. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan.
2. Himagsik laban sa Hidwaang Pananampalataya.
3. Himagsik laban sa maling kaugalian; at
4. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.
Ngayon, ay aking bibigyan pansin ang unang himagsik. Ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan. Sa unang parte pa lamang ng awit ay ipinapahayag na ang Himagsik na ito. Ito ay nagsimula ng isinalaysay ni Florante ang paglupig ng mga masasama sa kanilang kaharian na si Adolfo. Ang Albanyang dating pinamumunuan ni Haring Linceo, at ang kayamanan ng ama niyang si Duke Briseo ang tila naging dahilan sa pagsasabog ng sama ni Adolfo. And dating mapayapang kaharian ay wala na ngayon. Sa parteng ito ay damang-dama ang Himagsik laban sa malupit na pamahalaan. Ito ay ang kagustuhang agawin ni Adolfo ang trono.
Ito ay maihahalintulad sa pagsakop ng mga Kastila dito sa Pilipinas. Ang lahat na masamang nangyari at kahirapan na ating natamo dahil sa kanilang pagsakop.
Bawat parte ng Florante at Laura ay may Himagsik ni Balagtas. Sa bawat himagsik ay kanyang ipinapapahayag ang pangyayaring nangyari din sa Pilipinas na ating bansa.
Salamat po sa pagbabasa.

Magaling
ReplyDeleteMagaling
ReplyDeleteMahusaaay! :)))
ReplyDeleteGaling
ReplyDeleteMagaling!!!
ReplyDeleteNapakahusay
ReplyDelete