Pagsusuri ng Himagsik ni Balagtas sa Florante at Laura
Pagsusuri ng Himagsik ni Balagtas sa Florante at Laura ni: Johmelen Feby Mendoza (8-Busay) Ang Florante at Laura ay isang awit o tula na isinulat ni Francisco Baltazar o kilala ring Francisco Balagtas. Ang awit na Florante at Laura ay kanyang isinulat dahil sa kaniyang kabiguan. Siya ay nakulong dahil sa kanyang karibal na si Nanong kapule isang mayaman at manliligaw ni Maria Asuncion Rivera na tinatawag ni Balagtas na "Selya" sa kanyang walang kamatayang obra maestrang awit na Florante at Laura. Maraming nagsasabi na ang awit na ito ay kanyang isinulat noong siya'y nasa bilangguan. Kung tutuusin isang simpleng awit lang ang Florante at Laura pero kung ating babasahin ng maigi ito ay may nais iparating para sa lahat na magbabasa ni Balagtas. Ang Florante at Laura ay binubuo ng apat na himagsik ni Balagtas at ito ay ang: 1. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan. 2. Himagsik laban sa Hidwaang Pananampalataya. 3. Himagsik laban sa maling kaugalian; at 4. Himagsi...